Tuesday, February 7, 2023

Higit 11,000 trabaho, alok ng DOLE 4-A ngayong Labor Day Job Fair 2022

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Aabot sa 11,563 trabaho ang naghihintay sa mga aplikante sa malawakang job fair na isasagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 4-A sa darating na Mayo 1.

Ayon sa ahensiya, nasa 66 na mga employers mula sa iba’t ibang industriya ang inaasahang lalahok sa naturang job fairs.

Pinakamaraming trabaho ang alok ng mga manufacturing companies na ayon sa DOLE 4-A ay aabot sa 7,500 alok na trabaho.

Ang job fair na bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay gaganapin sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon: St. Thomas Academy, Santo Tomas City Batangas; Vista Mall sa Dasmariñas City, Cavite; Camp Vicente Lim sa Calamba City, Laguna; Pacific Mall sa Lucena City; at sa Ynares Event Center sa Antipolo City, Rizal.

Hinihikayat naman ni DOLE 4-A Regional Director Exequiel Ronie Guzman ang mga aplikante na makilahok sa naturang job fairs na ayon sa kanya ay bahagi ng hakbang ng ahensiya upang matulungan ang mga nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19 pandemic.

“We make all these efforts as a strategy to contribute to the nation’s goal of employment recovery by creating opportunities, sustaining developments and transforming lives of our CALABARZON workforce,” pahayag ni Guzman.

Inabisuhan naman ng DOLE 4-A ang mga aplikante na makikilahok na magpa-rehistro sa kanilang Online Portal: https://tinyurl.com/prereg-applicants habang maaari namang makipag-ugnayan sa DOLE Provincial Offices ang mga employer. — FC, PIA LAGUNA

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,932FollowersFollow

AROUND CALABARZON