Thursday, December 8, 2022

Lalawigan ng Laguna, ilang munisipalidad tumanggap ng parangal mula DA-PhilRice

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Binigyang pagkilala ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna at Provincial Agriculture Office dahil sa epektibong implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed and Extension Programs for 2022 Wet Season.

Ayon sa DA-PhilRice, nakamit ng Laguna ang 101% delivery target ng mga binhi sa buong lalawigan.

Pinapurihan din ng ahensya ang Laguna sa pagbibigay nito ng gabay at tulong sa mga munisipalidad upang makapagtala ng 97% kabuuang distribution rate.

Testimoniya aniya ang pagkilala sa naging dedikasyon ng lalawigan upang mapataas ang kamalayan at kita ng mga magsasaka.

Personal na tinanggap ni Governor Ramil Hernandez ang parangal. Pinasalamatan ng gobernador ang DA-PhilRice sa naturang pagkilala, at sinabing patuloy na susuportahan ng pamahalaang panlalawigan ang iba’t-ibang programang magbibigay-benepisyo sa mga magsasaka.

“Sa bawat programa ng pamahalaang panglalawigan, layunin ang sustainability and efficiency sa larangan ng agrikultura, food sufficiency para sa mga mamamayan, at profitability naman para sa mga magsasaka…Ipinakita ng mga lokal na pamahalaan ang kontribusyon sa mga ito sa pamamagitan ng serbisyo ng mga municipal/city agricultural extension workers upang maihatid sa ating mga magsasaka ang kinakailangang interventions katulad ng certified seeds sa tulong ng PhilRice Los Baños.”, pahayag ng gobernador.

Bukod sa pamahalaang panlalawigan, nagkamit din ng Special Citation para sa Municipal Level ang mga bayan ng Cavinti, Kalayaan, Liliw, Los Baños, Luisiana, Mabitac, Pagsanjan, Pakil, Pila, Rizal, Sta. Cruz, Sta. Maria, Siniloan, at Victoria; habang nakamit naman ng bayan ng Famy ang Excellence Award for Small-Scale Category. — Christopher Hedreyda, PIA4A

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON