Thursday, December 8, 2022

3.9 milyong estudyante sa Calabarzon balik eskwela ngayong araw

Matapos ang dalawang taong pakikipaglaban sa pandemya at pag-aaral sa ilalim ng online at modular learning, muling magbabalik sa paaralan ang mga mag-aaral simula ngayong araw, Agosto 22 para sa face-to-face classes.

Batay sa huling datos ng Department of Education aabot sa 27,691,191 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral ngayong school year. Ito ay katumbas ng 100.47% o higit sa bilang ng naitalang datos mula sa enrollment ng SY 2021-2022.

Pinakamarami na ang nakapagpatala sa rehiyon ng CALABARZON na umabot sa 3,899,077 na sinusundan ng Region III (2,974,068), at NCR (2,851,022).

Mula sa nabanggit na kabuuang bilang, 23,561,764 ang mula sa enrollment quick counts habang 4,129,427 ang bilang ng mga mag-aaral na mula sa early registration.

Ayon sa DepEd, para sa maraming learners, ito ang araw kung kailan muli silang makakabalik sa paaralan habang kauna-unahang pagkakataon naman para sa ibang mga Grade 1 hanggang Grade 3 learners na sila ay lalahok sa in-person classes.

Magpapatuloy ang enrollment hanggang ngayong araw, Agosto 22, 2022 na mayroong tatlong pamamaraan sa pagpapatala: in-person, remote, at dropbox enrollment. Dagdag pa rito, ang mga Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari pa ring magpatala nang in-person o digital.

Kung may katanungan kaugnay sa enrollment at pagbabalik-eskwela ngayong SY 2022-2023, bisitahin ang: bit.ly/OBE2022Hotlines

Para sa karagdagang detalye, basahin ang DepEd Order No. 35, s. 2022: bit.ly/DO35S2022

—may ulat mula sa DepEd

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON