Thursday, December 8, 2022

Gov. Tan, nanawagan para sa pagpuksa sa dengue

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon- Nanawagan si Quezon Governor Helen Tan sa lahat ng mga residente sa lalawigan ng Quezon na makiisa sa adhikain ng ng mga lokal na pamahalaan na mapuksa ang pagkalat ng sakit na dengue.

Ang panawagan ay inihayag ni Gov. Tan sa paglulunsad ng programang “ Pasa sa Henerasyong Healthy, Balik Sigla sa Pagbalik Eskwela” ng Department of Health na idinaos sa Dolores Macasael National High School sa Candelaria, Quezon noong noong Agosto 11 kung saan ay lubos ang ginawang pasasalamat ng gobernador sa ahensya sa paglulunsad ng programa.

Ayon pa kay Tan, tungkulin ng bawa’t pamilyang Pilipino na maglinis ng kanilang kapaligiran at mga kabahayan upang makatulong sa pagpuksa ng pagkalat ng lamok na nagdadala ng mga sakit.

“Sa muli pong pagbubukas ng klase ngayong Agosto, dapat ang pamilya ay kaagapay ng paaralan at pamahalaan sa pagsugpo laban sa dengue,” sabi pa ng gobernador.

Samantala, hinimok din ni Tan ang mga residente sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan na magpabakuna at magpa-booster kontra sa COVID-19 upang makamit ng lalawigan ang herd immunity sa kabuoan ng populasyon dito.

Sinabi ng gobernador na patuloy din ang kanilang isinasagawang pagbabago sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga publikong ospital sa lalawigan ng Quezon. — Ruel Orinday, PIA Quezon

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON