Thursday, December 8, 2022

Nasa 16,000 security forces, ipapakalat sa Calabarzon ngayong eleksyon

Larawan mula sa Police Regional Office Calabarzon.

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Sanib pwersang tututukan ng mga security forces ng pamahalaan sa Calabarzon ang pagpapatupad ng seguridad para sa kaligtasan ng mga botante, election officials, at mga kandidato sa araw ng halalan sa darating na Lunes, Mayo 9.

Sa isinagawang send-off ceremony kamakailan ng Calabarzon Regional Joint Security Center (RJSC), may kabuuang 16,166 na miyembro mula sa hanay ng Police Regional Office Calabarzon, Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG), ang ipapakalat sa buong Calabarzon upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa mahigit 3,000 voting centers sa rehiyon.

Bukod sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga guro at iba pang indibidwal na magsisilbi sa halalan, sila rin ay naatasan upang siguruhin na maayos na makakarating ang mga vote counting machines (VCMs) at iba pang election paraphernalia sa mga voting centers sa iba’t ibang bahagi ng Calabarzon.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Police Brigadier General Antonio Yarra ang kapulisan na paigtingin ang pagbabantay nito upang matiyak ang kaligtasan ng mga botanteng makikilahok sa halalan.

“Let us all respect and preserve the democratic rights to suffrage of the citizens of this country. Gayundin ang ibang ahensya ng gobyerno, ang sector ng simbahan at iba pang Non-Government Organizations na siyang magbabantay ng kaayusan ng voting public at polling precincts. Inaasahan ko ang kooperasyon ng bawat isa,” pahayag ni Yarra.

“Ipinapaabot namin sainyo ang aming buong pagtitiwala na gagampanan ninyo ng buong husay ang inyong trabaho. Patuloy tayong magsama-sama sa iisang layunin para sa isang maayos at matiwasay na pagdaraos ng eleksyon,” dagdag nito.

Tiniyak naman ni Yarra na nakalatag na ang lahat ng mga hakbang ng PNP katuwang ang mga miyembro ng RJSC upang maiwasan ang mga insidente na maaaring makaapekto sa pagsasagawa ng eleksyon at mapigilan ang mga indibidwal o grupo na may intensiyong manggugulo sa halalan.

KAUGNAY NA ULAT: PNP Calabarzon steps up security ops as May 9 polls approach

Samantala, hinimok naman ni Atty. Rafael Olaño, Comelec 4-A Regional Election Director, ang kapulisan at mga kasundaluhan gayundin ang iba pang itinalagang magbabantay sa seguridad ng halalan na pag-ibayuhin ang pagpapanatili ng kaayusan sa mga voting centers. Umaasa din ito na magiging mapayapa, maayos, at tapat ang isasagawang halalan sa Mayo 9.

“Sana ay makarating ang ating mga guro at polling workers ng ligtas sa mga polling centers gayundin sa kanilang pag-uwi. Ensure every voter ay makakalabas na nakakaboto, free from violence and intimidation. Isa lang ang aking pakiusap, sana ay magkaroon tayo ng safe, honest, at peaceful na eleksyon,” pahayag ni Olaño. — FC, PIA Laguna

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON