Thursday, December 8, 2022

Gulong ng Buhay Wheelchair Donation Project, inilunsad sa Taytay

TAYTAY, Rizal (PIA) — Nagbigay ng ngiti at pag-asa ang Rotary Club of Metro East Taytay katuwang ang Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) ng lokal na pamahalaan ng Taytay sa ilang mga benepisyaryo ng “Gulong ng Buhay: Wheelchair Donation Project” nitong Agosto 6.

Sa pamamagitan ng programa ay masayang tinanggap ng mga benepisyaryo ang libreng wheelchair na kanilang magagamit upang mas maayos at ligtas silang makakakilos sa pang-araw-araw.

Samantala, naging matagumpay naman ang kabuuan ng aktibidad sa tulong rin na ibinigay ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Allan De Leon at Konsehal LengJoey Calderon na nagbigay daan at umalalay sa mga benepisyaryo.

Gayundin ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na umalalay at naghatid sundo sa mga benepisyaryo. — MO, PIA4A

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON