Sunday, April 2, 2023

Iba’t ibang species ng waterbirds, namataan sa Alibijaban, Quezon

Siniguro ng Department of Environment and natural Resources (DENR) na nananatiling angkop ang Alibijaban Wilderness Area bilang kanlungan ng iba’t ibang migratory at non-migratory species. 

Ito ay matapos mamataan ang nasa 121 ibon mula sa 15 species ng waterbirds sa dalawang araw na bird watching activity na pinangunahan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) – Catanauan noong Enero 17 hanggang 18. 

Ayon sa DENR CALABARZON, kabilang ang mga ito sa kategoryang ‘least concern’ ng Red List of Threatened Species ng International Union for Conservation of Nature (IUCN). Nagsisilbi itong talaan ng mga nanganganib na species ng hayop, halaman, at fungus sa buong mundo.

Kabilang sa mga species na namataan ng lokal na pamahalaan ang 33 Intermediate Egret, at tig-iisang White-eared Brown Dove, Great White Egret at Brown Shrike. Nakakita rin ang mga birdwatcher ng Asian Glossy Starling, Eurasian Tree Sparrow, Black-naped Oriole, Olive-backed Sunbird, at Yellow-vented Bulbul.

Ayon sa CENRO Catanauan, bagamat bumaba ang bilang ng mga migratory at resident bird species na naglalagi sa Alibijaban Island ay nananatiling angkop ang Alibijaban Wilderness Area upang pamugaran ng iba’t ibang species. Dahil dito, nangangailangan ang nasabing lugar ng masusing pagbabantay at conservation upang patuloy na pamugaran ng migratory birds. — PB

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,922FollowersFollow

AROUND CALABARZON