Thursday, December 8, 2022

DENR Calabarzon, Lucena City gov’t magkatuwang para sa programang pabahay

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon (PIA) — Pormal nang nilagdaan sa lungsod na ito ang isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Lucena at Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON kamakailan para sa paglalaan ng lupa sa isang abandonadong airfield sa bahagi ng Barangay Ibabang Iyam na gagamitin sa programang pabahay ng pamahalaang lungsod.

Sinabi ni Lucena City Administrator Anacleto Alcala Jr, na hindi aniya magiging posible ang naturang programa kundi dahil sa pagsisikap ng iba’t ibang ahensya tulad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), DENR, LGU Lucena at ng City Urban Poor Affairs Office na pinamumunuan ni Miled Ibias.

Matapos lagdaan ang MOA sa pangunguna ni Mayor Mark Alcala ay lubos naman itong ikinatuwa ng mga Lucenahin dahilan sa matagal nang nangangarap ang mga ito na magkaroon ng sariling lupa na tiyak aniyang mapapakinabangan lalo’t higit ng mga kawani ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayang kabilang sa urban poor.

Ang mabigyan ng bahay ang mga kawani ng pamahalaang panlungsod na wala pang tirahan ay isa sa mga pangunahing proyekto ni dating mayor ng Lucena City na ngayon ay Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala at Mayor Mark Alcala.

Sumaksi sa paglagda sa MOA sa sina CAAP Asset Management Division Chief III Capt. Thomas Tannhauser Fortun, DENR IV-A Calabarzon Regional Executive Director Director III Nilo Tamoria,PENR Officer Forester Ronilo Salac and CENR Officer Forester Engr. Cyril Coliflores, Barangay Ibabang Iyam Chairperson Gina Sares, ilang hepe ng mga opisina ng lokal na pamahalaan at ang mga president ng United Landing Urban Poor Association.

Naging panauhin din sa nasabing MOA Signing ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na kinabibilangan nina City Councilor Ryan Alcala, Wilbert Mckinley Noche, Patrick Nadera, Americo Lacerna, Benito Brizuela Jr., Dr. Edwin Pureza at Elizabeth Sio. — Ruel Orinday, PIA Quezon

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON