Sunday, April 2, 2023

Mga programa ng DA 4-A, nakatulong sa magandang ani ng kape sa Cabuyao

Higit dalawang tonelada ng kape ang naibenta ng mga miyembro ng Casile-Guinting Upland Marketing Cooperative ngayong Enero na siyang harvest season sa Cabuyao.

Mas marami ang inaani ng mga magsasaka ngayong taon kumpara noong 2022 bunsod ng naging epekto ng Bagyong Paeng sa mga pananim.

Para sa mga magsasaka, lubhang nakatulong ang mga suporta at programang ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) Region 4A at ng pamahalaang lungsod ng Cabuyao sa pagpapasigla ng industriya ng pagkakape sa Brgy. Casile.

Bukod sa mga libreng tanim, nakatanggap din ng multi-level solar coffee dryers at multi-commodity solar dryers ang mga magsasaka mula sa DA High Value Crops Development Program (HVCDP) at greenhouse-type solar dryer na benepisyo ng mga magsasaka mula sa programang Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ng DA-Philmech.

Ayon sa Cabuyao City Agriculture Office, tuluy-tuloy ang mga programa ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng industriya ng kape. Hinimok din ng departamento na suportahan ng publiko ang produkto ng mga coffee farmers ng Brgy. Casile. — CH

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,922FollowersFollow

AROUND CALABARZON