Thursday, December 8, 2022

Bagong CT scan at imaging center sa Jose Rizal Memorial District Hospital, ipinasilip

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Pinasinayaan ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna ang bagong CT scan at imaging center sa Dr. Jose Rizal Memorial District Hospital sa Calamba City, kasabay ng ika-70 taong anibersaryo ng pagkakakatatag ng ospital.

Personal na dumalo sa blessing ng bagong pasilidad si Governor Ramil Hernandez at Laguna 2nd District Representative Ruth Mariano Hernandez.

“Ang pagsasaayos ng mga pasilidad at mga bagong kagamitan ay bahagi pa rin ng kagustuhan nating mapaghusay ang serbisyo sa mga ospital ng lalawigan.”, pahayag ng gobernador.

Ayon kay Dr. Dra. Eloisa Daza Inano, Chief of Hospital ng JP Rizal Memorial District Hospital, malaking tulong ang mga bagong kagamitan para sa mga mamamayang pinipili ang kanilang ospital para magpagamot.

Ia-anunsyo ng pamahalaang panlalawigan kung kailan maaaring magamit ang CT scan at imagine center na naghihintay pa ng lisensya mula sa gobyerno. Sumasailalim pa rin sa training ang mga kawaning nakatakdang mangangasiwa sa pasilidad. — CH, PIA4A (may ulat mula sa Laguna PIO)

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON