Thursday, December 8, 2022

Biñan City Science and Technology High School maghahatid ng dekalidad na edukasyon sa mga kabataang Biñanense

BIÑAN CITY, LAGUNA (PIA) — Pormal nang pinasinayaan ng pamahalaang lungsod ng Biñan ang apat na palapag na gusali ng Biñan City Science and Technology High School, sa unang araw ng klase nitong Agosto 22, Lunes.

Dinaluhan ang ribbon-cutting ceremony at pagbubukas ng paaralan nina Mayor Atty. Arman Dimaguila, Vice Mayor Gel Alonte, Department of Education Schools Division Superintendent Edna Faura-Agustin, at iba pang mga opisyal ng lungsod at ng paaralan.

Itinatag noong 2021 ang Biñan City Science High School upang maghandog ng edukasyon na may pokus sa science and technology. Tungkulin ng paaralang ihanda ang mga mag-aaral nito sa propesyon na may kinalaman sa siyensa gaya ng engineering, medicine, nursing, information technology, computer, at iba pa.

Ayon kay Mayor Dimaguila, prayoridad ngayon ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng mataas na kalidad ng edukasyon sa mga kabataan. Naniniwala si Dimaguila na ang pagkakaroon ng matatalino at mahuhusay na estudyante ay makakatulong sa pagunlad ng lungsod.

“Sa pagkakaroon na isang siyudad na maraming nakapagtapos ng pagaaral ay kaakibat nito ang pag unlad ng lungsod at ng bansa pati na rin ang pagunlad ng kabuhayan ng mga pamilyang kinabibilangan ng mga kabataan nakapagtapos. Kapag sila ay natagumpay sa pagaaral, kalaunan ay magiging mga propesyonal sila sa kanilang mga larangang inaral.” saad ng alkalde.

Ang BCSTHS ay nakatayo sa isang 6,835 square meters lupain sa Silmer Village, Brgy. San Francisco. May kabuuang building area ang paaralan na 6,548 square meters. Sa ngayon, isang gusali muna ang ipinatayo ng lokal na pamahalaan ngunit inaasahan pa ang expansion nito sa mga susunod na taon. — Christopher Hedreyda, PIA4A

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON