Thursday, December 8, 2022

Vehicle registration facility, binuksan sa Santa Rosa City

SANTA ROSA CITY, Laguna — Opisyal na binuksan ang Vehicle Registration Extension Facility ng Land Transportation Office (LTO VREF) kamakailan sa Barangay Market Area, Lungsod ng Santa Rosa.

Pinsinayaan ang nasabing pasilidad sa pangunguna ni LTO Assistant Regional Director Atty. April R. Casabuena kasama si Mayor Arlene B. Arcillas pati na rin ang iba’t-ibang division chiefs at head of offices ng LTO-Region4A.

Ayon sa LTO4A, ang pagatatayo at pagbubukas ng LTO VREF ay bahagi ng layunin ng kanilang ahensiya na mailapit ang sebisyo ng gobyerno sa mga mamamayan.

Ipinahayag naman ni Mayor Arlene ang kaniyang pasasalamat sa LTO 4A dahil ayon sa kanya ay isang milestone ang pagkakaroon ng ganitong pasilidad sapagkat mapapalapit sa mga mamamayan ng lungsod ang isang serbisyong lubos na kailangan ng mga motorista.

Aniya, bukod sa malaki ang maitutulong nito sa Ease of Doing Business, makatutulong din ito upang kahit papaano ay mabawasan o ma-decongest ang bilang ng mga sasakyang nagpaparehistro sa kalapit na LTO District Office sa Lungsod ng Biñan.

“This facility makes it more convenient and efficient for our local motorists and vehicle owners to register their vehicles. The proximity of the VREF will make it easier for local vehicle owners,” saad ng punong lungsod.

Ang LTO VREF Santa Rosa ay handang magbigay serbisyo sa mga mamamayang nais magpa-renew ng rehistro ng kanilang mga motorsiklo o iba pang sasakyang klasipikado bilang light vehicles.

Hangad ni Mayor Arlene na ang pasilidad na ito ay maging kapaki-pakinabang sa mga motorista ngayon hanggang sa susunod pang mga taon. — Santa Rosa City Information Office

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON