Thursday, December 8, 2022

Magkapatid na Arcillas, namayagpag sa halalan sa Santa Rosa City

Pormal nang idineklara ng City Board of Canvassers ang pagkapanalo ni Congressman Dan Fernandez, Santa Rosa City Mayor Arcillas at iba pang kandidato na nanguna sa halalan sa lungsod ng Santa Rosa.

SANTA ROSA CITY, Laguna (PIA) — Magpapatuloy ang mga programa at proyektong nasimulan ni Santa Rosa City incumbent Mayor Arlene Arcillas matapos muling mahalal ang alkalde para sa panibagong termino. 

Nitong Martes, May 10, ay opisyal nang idineklara ng City Board of Canvassers ang kanyang pagkapanalo gayundin ang iba pang kandidato na nanalo sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaang lungsod.

Landslide win si Arcillas na nakakuha ng botong 125,159 laban sa mga katunggali nito na sina Arnel Gomez na may 46,827 boto, at Joyce Kathleen Lee na nakakuha lamang ng 2,900 na boto.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Arcillas sa mga sumuporta sa kanyang kandidatura.

“Maraming salamat po sa tiwalang inyong ipinagkaloob sa amin. Ang pagkakataong makapagserbisyo muli sa inyo ay hinding-hindi namin sasayangin. Asahan po ninyong patuloy kaming magseserbisyo nang wagas patungo sa mas maunlad at mas progresibong Lungsod ng Santa Rosa,” pahayag ni Arcillas.

Makakatambal ng alkalde ang kapatid nitong si Arnold Arcillas na nanalong bise alkalde matapos manguna sa ginanap na halalan. Nakakuha si Arnold ng 118,955 boto laban sa mga katunggali nitong sina Alvin Abaja at Jun Sumapid.

Samantala, bubuuin naman nina Tess Aala, Sonia Algabre, Roy Gonzales, Lody Carta, Joey Catindig, Mythor Cendaña, Joel Aala, Jun Tuzon, Digoy Malapitan, Ina Cartagena, Manoy Alipon, at Willie Castro ang konseho ng lungsod matapos nilang makuha ang pinakamaraming boto. 

Mananatili naman sa pwesto bilang kinatawan ng lone district ng Santa Rosa City sa Kongreso si Cong. Dan Fernandez na pormal na ring ipinroklama ng BOC. — FC, PIA Laguna

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON