Tuesday, February 7, 2023

Paalala ng DENR: Bawal ang paglalagay ng election campaign materials sa mga puno

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Mariing pinaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Calabarzon ang publiko kaugnay ng paglalagay ng iba’t ibang campaign materials sa anumang punongkahoy.

Ayon sa DENR CALABARZON, bawal ito alinsunod sa Republic Act No. 3571, Presidential Decree 953, at Comelec Resolution No. 10730.

Ayon pa sa ahensiya ang mahuhuling lumabag ay maaari patawan ng multa na P500 hanggang P5,000 o pagkakakulong ng anim na buwan hanggang sa dalawang taon.

Nananawagan din sa publiko ang DENR CALABARZON na i-report sa kanilang tanggapan kung sakaling may makitang mga indibidwal na lumalabag.

“I-report ang mga lumalabag sa pamamagitan ng pagpapadala ng litrato at detalye ng lugar sa email address r4a@denr.gov.ph, Facebook Page @DENR4AOfficial, at Instagram at Twitter accounts @denrcalabarzon,” pahayag ng DENR CALABARZON sa kanilang Facebook page. — FC, PIA4A

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,932FollowersFollow

AROUND CALABARZON