
SANTA ROSA CITY, Laguna (PIA) — Sinimulan na ng Commission on Elections nitong Sabado, Abril 2, ang pag-dispatch ng mga vote counting machines (VCM) na gagamitin para sa May 9, 2022 national and local elections.
Kabilang din sa mga i-dinispatch ng ahensiya ang iba pang automated election system supplies mula sa warehouse nito sa Santa Rosa City, Laguna na dadalhin sa mga regional hubs sa bansa.
Tiniyak naman ng Comelec na uunahin nilang mabigyan ng VCMs at AES ang mga malalayong lalawigan sa bansa.
Ayon sa Comelec, may mahigit 40 regional hubs sa bansa kung saan ipapadala ang mga election paraphernalias at equipment.
Target ng Comelec na matapos ang pagdeploy ng mga nasabing kagamitan sa loob ng 18 araw. — FC, PIA Laguna