Tuesday, February 7, 2023

DOLE, hinimok ang pribadong sektor na magpatupad ng bayad na isolation at quarantine leaves sa mga empleyado

CALAMBA CITY, Laguna (PIA) — Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Lunes ang mga employer ng pribadong sektor na magkaroon ng naaangkop na paid isolation at quarantine leave program para sa mga manggagawang maapektuhan ng Covid-19.

Ito ay sa gitna ng tumataas na kaso ng Covid-19 sa bansa sa pagsisimula ng taong 2022.

Sa Labor Advisory No. 1, hiniling ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employer na payagan din ang mga empleyado na classified bilang close contact, suspect, probable, o kumpirmadong kaso ng Covid-19 na kumpletuhin ang home isolation o facility-based quarantine.

Ito ay alinsunod aniya sa patakarang inilabas ng Department of Health kaugnay sa pagsasagawa ng quarantine, isulation, at testing para sa Covid-19 response at pamamahala ng kumpirmadong kaso ng Omicron variant at joint memorandum circular ng DOLE at Department of Trade and Industry na nagtatakda ng mga alituntunin sa pag-iwas at pagkontrol sa Covid-19 sa lugar ng trabaho.

Nakasaad rin sa advisory na inilabas ni Bello na ang bayad na isolation o quarantine leave para sa mga manggagawa ay hiwalay sa kanilang regular leave benefits. Bagama’t hindi kinakailangang magbigay ng mga naturang benepisyo ang mga kumpanya, sinabi ni Bello III na ang layon nitong siguraduhin ang ligtas at makataong kondisyon sa pagtatrabaho.

“Employers are urged, in consultation with the employees or employees’ representative if any, to adopt and implement an appropriate paid isolation and quarantine leave program on top of existing leave benefits under the company policy, Collective Bargaining Agreement, the Labor Code of the Philippines, and special laws. The paid isolation and quarantine leaves shall be without prejudice to other benefits provided by the Social Security System and the Employees Compensation Commission,” saad ni Bello sa Labor Advisory No. 1 na inilabas nitong Lunes.

Sa ilalim ng employees compensation benefits program ng Employees Compensation Commission (ECC), ang mga empleyado na nagbabayad sa mga miyembro ng Social Security System na naospital at naka-confine para sa Covid-19 ay babayaran sa buong tagal ng kanilang pagkakakulong sa ospital kabilang ang halaga ng gamot, bayad sa doktor at rehabilitasyon sa gastos. — PIA LAGUNA

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,932FollowersFollow

AROUND CALABARZON