Monday, June 5, 2023

Paghahanda sa Semana Santa, inilatag ng RDRRMC CALABARZON

CALAMBA CITY (PIA) — Nakahanda na ang mga hakbang ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Calabarzon upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga biyahero, turista, at mga debotong dadagsa sa rehiyon ng Calabarzon ngayong Semana Santa. 

Sa Pre-Disaster Risk Assessment Meeting na pinangunahan ni RDRRMC Chairperson at Civil Defense Calabarzon Regional Director Maria Theresa Escolano, tinalakay ng mga kasaping ahensiya ang mga hakbang na inihanda nito para sa nalalapit na obserbasyon ng Semana Santa simula Abril 2 hanggang Abril 9.  

Kabilang dito ang pagpapanatili ng peace and order sa pangunguna ng Police Regional Office Calabarzon na nakatakdang magpakalat ng nasa 5,934 kapulisan sa mga matataong lugar sa buong rehiyon.

Pangungunahan naman ng Land Transportation Office (LTO) 4-A at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) 4-A ang pag-iinspeksiyon sa mga terminal ng mga pampublikong sasakyan sa rehiyon. Magbibigay din ang mga ito ng road assistance kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH) 4-A para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at biyahero. 

Nakahanda na rin ang Philippine Ports Authority (PPA) para sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.

Samantala, naka-alerto naman ang Bureau of Fire Protection para sa rumesponde sa mga sitwasyon na kailanganin.

Tiniyak naman ni Escolano na nakahanda ang RDRRMC CALABARZON at ang lahat ng mga kasaping ahensiya na tugunan ang anumang uri ng sakuna ngayong Semana Santa. (MBIL, PIA4A)

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,923FollowersFollow

AROUND CALABARZON