Sunday, April 2, 2023

KADIWA sa Calabarzon, patuloy sa paghahatid ng murang agri products

Aabot sa 32 Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) na binubuo ng 1,507 na magsasaka mula sa Calabarzon ang natulungan sa malawakang pagma-market ng mga produktong agrikultural sa pamamagitan ng KADIWA Program ng Department of Agriculture (DA) Region 4A.

Habang nagbibigay-daan ang KADIWA Program sa mga magsasaka na direktang maipakilala ang kani-kanilang produkto sa mas malaking populasyon ay isa rin itong pagkakataon para sa mga mamimili na makabili ng mga produkto sa mas murang halaga.

Ang naturang programa ay nahahati sa tatlong modalidad: (1) KADIWA Store, (2) KADIWA on Wheels, at (3) KADIWA Pop-Up Store. Ilan sa mga FCAs sa rehiyon ay sinimulan nang maisagawa ang mga ito nang sila lamang matapos masuportahan ng DA-4A na ma-link sa mga nangangailangang komunidad sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.

Batay sa datos, 17 sa mga samahan ay nakapagtayo na ng sariling KADIWA Store 13 ang nakapagtaguyod ng KADIWA On Wheels.

Patuloy ang paghikayat ng DA-4A sa iba pang kooperatiba na makibahagi sa KADIWA at maging DA-Accredited Civil Society Organization na pangunahing kailangan upang makinabang sa mas malaking proyekto sa ilalim ng programa.

Karaniwang isinasagawa ang KADIWA Pop-Up Store retail selling sa Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES), Lipa City, Batangas; San Pedro City at Los Baños, Laguna; at Metro Manila na kadalasang mula sa inisyatibo ng Department of Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS).

Samantala, sa kamakailan lamang na pagsasagawa ng KADIWA Pop-Up Store sa LARES, Lipa City, Batangas, noong ika-16 ng Enero, limang samahan ng magsasaka ang kumita ng mahigit ₱103,270.75. Sila ay ang Southern Luzon Farmers and Traders Agricultural Cooperative (SOLUFAT), L7 Livestock and Agriculture Cooperative, The Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative, Buklod-Unlad Multi-Purpose Cooperative, at Lipa Beekeepers Marketing Cooperative. — DA CALABARZON

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,922FollowersFollow

AROUND CALABARZON