Thursday, December 8, 2022

‘Basura Palit Bag Pang-Eskwela 2022’ program, sinimulan na sa Carmona

CARMONA, Cavite — Inilunsad kamakailan ng lokal na pamahalaan ng Carmona ang programa nitong layunin na linisin ang kapaligiran at bigyan ang mga mag-aaral ng libreng gamit sa eskwelahan.

Bukod sa pagiging environmental project, layunin rin ng ‘Basura Palit Bag Pang-Eskuwela 2022’ na matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral, lalo na sa kanilang mga bag na gagamitin ngayong taon.

Ito ay inilunsad sa pangunguna ng Samahan ng Nagkakaisang Kababaihan ng Carmona, Inc. para sa lahat ng mga magulang at mag-aaral.

Sa halip na itapon, hinihikayat ng programang ito na ipunin ang mga recyclable na basura tulad ng papel, lata, bakal, at bote upan maipagpalit sa bag pang-eskwela.

Kabilang sa mga produktong tinatanggap ay mga dyaryo, karton, payong, pet bottle, at marami pang iba.

Para sa kumpletong price listahan ng halaga ng kabuuang timbang ng basura, bisitahin lamang ang sumusunod na link: https://bit.ly/BasuraPalitBagPang-Eskuwela2022

Bukod sa pagreresiklo, layon rin ng programang ito na turuan ang mga residente ng tamang paghihiwa-hiwalay ng basura tulad ng mga nabubulok at nareresiklong kagamitan. — PB, Municipality of Carmona, Cavite

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON