Thursday, December 8, 2022

P12-M solar-powered irrigation system magpapataas ng ani ng mga magsasaka sa Cavite

Ito ay press release mula sa Department of Agrarian Reform

Larawan mula sa Department of Agrarian Reform

Upang mapataas ang produksyon ng high value crops at maiangat ang pamumuhay at kita ng mga magsasaka, nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Cavite, kasama ang inspectorate team mula sa National Irrigation Administration (NIA) ng final inspection sa ipinatayong P12-milyon solar powered irrigation system (SPIS) ng sa Tres Cruses, Tanza and Baliwag Magallanes.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer II (PARPO) James Arthur T. Dubongco, ang SPIS ay malapit ng maipagkaloob sa Tres Cruses ARB Farmers Association Inc., sa Sitio Gugo, Brgy. Tres Cruzes, Tanza at sa Brgy. Baliwag Farmers Association Inc. matatagpuan sa Magallanes.

Sinabi ni Dubongco na maaaring patubigan ng proyekto ang 32 ektarya ng lupang pang-agrikultura na pangunahing pakikinabangan ng dalawampu’t apat (24) na kabahayan ng mga agrarian reform beneficiary (ARB) at iba pang mga kalapit na mga magsasaka.

“Matagumpay na natapos ng DAR Provincial Office kasama ang NIA ang final inspection sa dalawang (2) SPIS sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program-Irrigation Component (CARP-IC),” aniya.

Binigyang diin niya na ang pagtatayo ng SPIS ay magsusulong ng pag-unlad at paggamit ng moderno, naaangkop, sulit sa halaga, at ligtas sa kapaligiran na makinarya at kagamitan upang maging produktibo at maayos ang pagsasaka.

Binanggit niya ang pagiging maagap na paggamit ng solar-power irrigation pump upang patubigan ang mga sakahan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.

Sinabi ni Dubongco na ang naturang SPIS ay magbibigay-daan upang mapataas ang bilang ng pagtatanim sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng napapanahon at maaasahang pangangailangan ng tubig sa irigasyon, lalo na sa mga minsan sa isang taon na pagtatanim o mga lugar na umaasa sa ulan.

Ang SPIS ay isang cost-efficient at climate change adaptive technology na hindi nangangailangan ng paggamit ng gasolina, hindi apektado ng power interruptions, madaling patakbuhin, ligtas sa kapaligiran, angkop para sa malayong watershed at rain-fed areas, at nangangailangan lamang ng kaunting pagpapanatili.

Ang SPIS ay ipinatupad sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP) ng DAR na idinisenyo upang matulungan ang ARB organizations (ARBOs) sa mga liblib na lugar para mapatubigan ang kanilang lupang sinasaka upang madagdagan ang kanilang produksyon kahit sa panahon ng tagtuyot. — DAR

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON