Thursday, December 8, 2022

Libreng school supplies para sa mga mag-aaral sa Silang, Cavite nakatakdang ipamahagi

SILANG, Cavite — Nakatakdang simulan sa Setyembre ang pamamahagi ng libreng school supplies para sa mahigit 37,000 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Silang, Cavite.

Ayon kay Mayor Kevin A. Anarna, naantala ang pamamahagi nito dahilan sa dumaan pa ito sa mga kaukulang proseso gaya ng bidding alinsunod sa itinatakda ng pamahalaan.

Aniya, uunahin ang pagbibigay ng school supplies sa mga batang mag-aaral sa mga Day Care Centers kasunod ang mga mag-aaral ng Kindergarten at mga nasa elementarya.

“Sa mismong mga paaralan po natin ito ipapamahagi. Wala po tayong pipiliin, lahat po ng nag-aaral sa mga pampublikong paaralan ng bayan ng Silang ay makakatanggap,” pahayag ng alkalde.

Narito ang schedule ng isasagawang pamamahagi ng libreng school supplies:

Ibinahagi rin ni Anarna na malaki ang natipid ng lokal na pamahalaan sa mga presyo ng school supplies dahil sa kampanya ng kanyang administrasyon na ‘no corruption policy.’

“Unang una po nating sinasabi sa lahat ng suppliers at contractors na lumalapit sa munispyo na hindi tumatanggap si mayor at sino man sa munispyo. Wala pong SOP kaya pababain nalang po nila ang presyo para mas maraming serbisyo ang maibigay natin sa ating mga kababayan. Ang mga matitipid natin dahil walang corruption ay mapupunta sa taong bayan,” ani Anarna.  — PIAGOVPH4A

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON