
CARMONA, Cavite (PIA) — Patuloy na pinagyayaman ng lokal na pamahalaan ng Carmona ang pagkahilig ng kabataan sa kanilang bayan sa Science and Technology (S&T), sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba’t ibang programang may kinalaman dito.
Noong Mayo 16, pinangunahan ng pamahalaang bayan ang turnover ceremony para sa 10 set ng Lego Robotics Kit na ibinigay sa mga miyembro ng Students Youth for Science, Technology, Engineering, and Mathematics Society (SYSTEMS) ang Angelo L. Loyola Senior High School (ALLSHS).
Binigyang pagkilala rin ang mga natatanging mag-aaral na nagwagi sa MET Olympiad Battle of the Brain ng Philippine Meteorological Society, Inc. at DOST-Science Education Institute at itinanghal bilang National Finalist at People’s Choice Award sa Gawad Alunig ng Department of Science and Technology (DOST) – Technology Application and Promotion Institute (TAPI) Roadmap and Stakeholders’ Recognition.
Kabilang dito sina Thean Mendoza, Mark Andrei Pagana, Erin Perez, Milicent Erispe, Christian Allen Gonzales, Mercury Xylene Matutina, Amiel Jet Sonot, at Chrysler Dele Ordas.
Sa kanilang official Facebook page, ipinaapot rin ng lokal na pamahalaan ang kanilang pagbati sa tagumpay ng mga mag-aaral. — Patricia Bermudez, PIA 4A