Thursday, December 8, 2022

Kasundaluhan, nakiisa sa Serbisyo Caravan at Ugnayan sa Barangay sa Lian at San Juan Batangas

Sa kabila ng sunod-sunod na engkwentrong naganap sa iba’t ibang panig ng Batangas nitong nagdaang buwan hanggang sa kalukuyan, hindi pa rin nagpapatinag ang pamahalaan. Bagkus ay lalo pang sumidhi ang kanilang mga layunin na makapagsagawa ng mga programang naghahangad na ipaabot ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayang naninirahan maging sa laylayan.

Nitong Biyernes, Agosto 19 ay dalawang magkasabay na Serbisyo Caravan at Ugnayan sa Barangay ang matagumpay na idinaos sa sa probinsya ng Batangas partikular sa Brgy Quipot, San Juan at Brgy San Diego, Lian. Ang aktibidad ay bahagi ng Retooled Community Support Program (RCSP) ng pamahalaan.

Ayon sa 59th Infantry Battalion, mahigit 200 residente ang nakiisa sa isinagawang caravan kung saan naghatid ng tulong, serbisyo at programa ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at lokal na pamahalaan.

“Bakas sa mga mukha ng mga residente ang kagalakan, sapagkat bagama’t ang naturang lugar ay liblib, naabot pa rin sila ng ganitong programa ng pamahalaan. Kaya naman, tunay nilang damang-dama ang malasakit ng gobyerno para sa kanila,” pahayag ng 59th IB.

Samantala, naghandog naman ng libreng gupit ang hanay ng mga kasundaluhan. Kabilang din sa nakiisa ang kabilang ang mga kapulisan, reserve forces at mga kasundaluhan ng 201st Infantry “Kabalikat” Brigade, Philippine Army.

“Makakaasa po kayo na ang inyong mga kasundaluhan ay walang sawang makikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang makilahok sa ganitong klaseng programa. Patuloy kaming tutulong at kami’y hinding hindi mapapagod na kayo’y paglingkuran upang ating mapanatili ang kapayapaan sa ating bayan tungo sa kaunlaran,” pagtitiyak ng kasundaluhan. — 59th IB, Philippine Army

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON