Thursday, December 8, 2022

Farming interventions ng DA Calabarzon, ipinamahagi sa Batangas

LIPA CITY, Batangas — Iba’t ibang farming intervention ang ipinamahagi ng Department of Agriculture Region 4-A (DA Calabarzon) para sa mga magmamais sa mga lungsod ng Tanauan at Lipa na benepisyaryo ng Fuel and Fertilizer Discount for Corn Farmers Programs kamakailan.

Umabot sa 212 fuel discount card at fertilizer discount voucher ang ipinamahagi ng DA 4-A para sa mga magsasaka bilang bahagi ng implementasyon ng mga nasabing programa.

Ayon sa DA 4-A, bawat fuel discount card ay naglalaman ng P3,000 na maaaring ipambili ng gasolina para sa makinaryang pangsaka, habang ang fertilizer discount voucher naman ay naglalaman ng P2,000 bilang pambili ng abono.

Bukod sa mga discount card, namahagi rin ang DA ng 20 fermentation crete, 200 saki ng organikong pataba, 50 sako ng binhi ng dilaw na mais, at 250 bote ng organic pesticide para sa mga nagsipagdalong magsasaka.

Sa kanyang mensahe, siniguro ni OIC-Regional Executive Director, Engr. Abelardo Bragas na patuloy ang suporta ng pamahalaan para sa mga magsasaka sa rehiyon sa pamamagitan ng mas maagap at masusing paghahatid ng interbensyon tulad ng Fuel and Fertilizer Discount Programs.

Dumalo rin sa nasabing pamamahagi sina Tanauan City Mayor Sonny Collantes, DA 4-A OIC-Regional Technical Director for Operations and Extension Marcos Aves, Sr., OIC-Regional Technical Director for Research, Regulations and Integrated Laboratories, Fidel Libao, at Regional Agricultural Engineering Division Chief, Rommel Marasigan. — DA CALABARZON 

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,931FollowersFollow

AROUND CALABARZON