Sunday, April 2, 2023

Bawal muna ang extra-curricular activities, iba pang dapat tandaan para sa face-fo-face classes ngayong taon

File Photo

Matapos ang dalawang taon ng blended learning ay muling binuksan ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan para sa face-to-face classes noong Lunes, Agosto 22.

Ayon sa DepEd, bagamat handa ang pamahalaan sa pagbuhos ng mga estudyante sa mga paaralan ay na higit na nalampasan nito ng inaasahang 28.79-M mag-aaral na mage-enroll ngayong taon. Batay sa datos ng DepEd noong Agosto 20, umabot na sa 27,691,191 mag-aaral sa buong bansa ang nakapag-parehistro para sa School Year 2022-2023.

Sa bilang na ito, nakapagtala ang rehiyong Calabarzon ng pinakamataas na enrollment rate na mayroong 3,899, 077 rehistradong mag-aaral, at sinundan ng Region III (2, 974, 068), at National Capital Region (NCR) (2, 851, 022).

Narito ang ilan sa mga dapat tandaan sa pagpapatupad ng face-to-face classes.

Extra-curricular activities, ipagpapaliban

Photo from DepEd

Ipagpapaliban muna ng DepEd ang pagkakaroon ng mga extra-curricular activities upang bigyang pansin ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Batay sa DepEd Order No. 34 s, 2022, ipinag-utos ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagbabawal sa mga extra-curricular activities ngayong taon.

Ang extra-curricular activities ay boluntaryo, walang markang pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral na hindi nakaangkla sa nilalaman at mga pamantayan sa pagganap sa kurikulum at inaalok/pinag-ugnay ng paaralan upang itaguyod ang holistic na pag-unlad ng mag-aaral.

Sa halip, bibigyang prayoridad ng kagawaran ang paghasa sa iba pang kasanayan ng mga mag-aaral kaugnay sa co-curricular activities at iba pang gawaing pang akademiya na lubhang naapektuhan ng dalawang taon na distance learning.

Istriktong pagpapatupad ng health protocols sa mga paaralan

File Photo

Magiging mahigpit ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng mga health protocol sa mga paaralan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at tauhan kasabay ng pagbabalik-eskwela sa bansa.

Bukod sa regular na temperature check, masusi ring ipapatupad ang wastong pagsusuot ng face mask.

Naglagay rin ang mga paaralan ng handwashing station upang mahikayat ang mga mag-aaral na regular na maghugas ng kanilang kamay.

Kabi-kabila naman ang mga nakapaskil na paalala sa buong paaralan tulad ng mga marker para sa physical distancing.

Pagpapabakuna kontra Covid-19, hindi gagawing mandatoryo

File Photo

Bagamat isinusulong ng DepEd ang pagpapabakuna kontra Covid-19 bilang proteksyon mula sa pagkahawa ng malubhang sintomas ng sagit, hindi gagawing mandatory o sapilitan ito para sa mga nais makiisa sa face-to-face classes.

Batay sa mga tagubilin ng kagawaran, ibinibigay ang desisyong ito sa mga kawani kung sila ay magpapabakuna kontra Covid-19.

Patuloy naman ang kampanya ng DepEd para sa Covid-19 vaccination program, kung saan binibigyang diin ang kahalagahan nito para sa kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral, at kanilang magulang.

— Patricia Bermudez, PIA4A

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,922FollowersFollow

AROUND CALABARZON