Thursday, September 29, 2022

ALAMIN: Tulong para sa mga biktima ng hindi inaasahang krisis hatid ng AICS

Sa kanyang unang State of the Nation Address, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang plano nitong pagtibayin ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng kanyang administrasyon upang maiparating ang agarang tulong sa mga biktima ng krisis.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng komprehensibong mekanismo ng programa ay tiyak na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima ng krisis.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad nito.

Kamakailan lamang ay naglabas ng karagdagang P2-bilyong pondo ang Department of Budget and Management (DBM) sa DSWD para sa implementasyon ng AICS. Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, maganda ang timing ng karagdagang pondo para matulungan ang DSWD sa pagbibigay ng tulong at proteksyon sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan.

Ano nga ba ang AICS?
Ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ay isang social safety net o isang stop-gap na mekanismo upang suportahan ang pag-recover ng mga indibidwal at pamilya mula sa hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakait o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya, at iba pang sitwasyon ng krisis.

Ano-ano ang mga uri ng tulong na ibinibigay ng AICS?
Kabilang sa mga tulong na maaaring makuha sa AICS ay ang mga sumusunod:
(1) tulong-pinansiyal para sa mga pangangailangang medikal gaya ng pambayad sa ospital, pambili ng gamot, at pantustos sa mga sakit na mangangailangan ng operasyon;
(2) burial assistance o tulong-pinansiyal para sa pagpapalibing ng nasawing miyembro ng pamilya;
(3) educational assistance para suportahan ang pantustos sa pag-aaral, at;
(4) agarang tulong-pinansiyal para sa mga biktima ng kalamidad, domestic abuse, at iba pa para makapag-avail ng mga support services (legal, psycho-social).

Narito ang mga kailangan para makakuha ng tulong sa AICS.

Para makapag-avail ng tulong mula sa AICS, mangyari lamang na pumunta sa Crisis Intervention Unit ng DSWD Field Office sa inyong lugar. Maaari ring makipag-ugnayan sa City o Municipal Social Welfare and Development Office ng inyong lokal na pamahalaan.

PIAGOVPH4A
PIAGOVPH4Ahttp://pia.calabarzon.news
Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

RELATED ARTICLES

Follow Philippine Information Agency Calabarzon for updates and stories from the different parts of the Calabarzon Region.

203,000FansLike
400FollowersFollow
1,938FollowersFollow

AROUND CALABARZON